Madjaas, Isla Mararison, at Boracay

Ito ay salin sa Hiligaynon

img_2514

Kami naglalakad papunta sa palengke ng Culasi, Antique para maghanap ng agahan at babaoning pananghalian.

Ang Bundok Madjaas ang pinaka-under-rated at hindi kilalang bundok sa Filipinas. Matatagpuan ito sa Baryo Flores, Banwa ng Culasi sa Probinsiya ng Antique.

img_2519

Ngiti muna bago magparegister sa municipal hall.

Ang Culasi, Antique, tatlong oras na bus ride galing Kalibo, Aklan saan ang pinakamalapit na airport.

fullsizerender-9

Si Lei Anne Tabones, Raymond Sayon, ako, Jason Pimentel, Jayson Jogno, Andres Bulay IV, Mau Romarate, Carlo Tuazon, Leigh Tuazon, Thomas Suarez, kag si Zaldy Santos Jr bago sumakay sa habal-habal papuntang Flores, Culasi, Antique saan kami magsisimulang maglakad paakyat sa Madjaas.

Galing Culasi Municipal Hall, mga trenta minutos na sakay sa habal-habal papuntang bahay ni Josue Alejo, ang hari ng mga giya sa Bukid Madjaas. Galing sa bahay ni Josue, lima at kalahating oras na akyat sa bundok papuntang camp 1.

15675885_10209824390320799_3911789061107386891_o

Si Andres Bulay IV aka Andy, Jayson Jogno, Raymond Sayon, Lei Anne Tabones, ako, Thomas Suarez, Carlo Tuazon, Mau Romarante, Leigh Tuazon, Zaldy Santos Jr, Jason Pimentel, at si Josue Alejo, ang aming guide sa harap ng bahay niya.

Onse kaming umakyat sa Bukid Madjaas. Sampo kami nanggaling sa Manila: si Lei Anne Tabones, Leigh Tuazon, Carlo Tuazon, Zaldy Santos Jr., Jayson Jogno, Mau Romarate, Raymond aka Mondi Sayon, Andres Bulay IV aka Andy, Thomas Suarez, Michael Ras at isa, si Jason Pimentel, na aking bolano (pareho ko na grumaduate sa St. Pius X Seminary sa Roxas City) na nanggaling sa Mambusao, Capiz.

img_2561

Ang mga sapatos na iisa lang ang brand. Bow.

Hapon sinimulan naming akyatin ang Madjaas para hindi mainit at para tama lang maghaponan at magtayo ng tent sa camp 1. Mga dalawang oras na akyat namin nang nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan. Masaya ako maligo sa ulan kapag umaakyat ng bundok dahil malamig. Ikompara sa mainit na halos di ka na makapagpunas ng pawis, inum ka pa nang inum ng tubig at parang di ka na makahakbang sa init.

img_2577Pagdating namin sa camp 1, ang lakas-lakas na ng ulan apang kailangan naming itayo ang aming tent. Natural, basa pati ang loob nito.

img_2580

Dalawa at kalahating oras na pag-akyat papuntang camp 1, nandito kami napapaligiran ng mga bundok at dagat. Madilim na ang ulap. Maya-maya, uulan na.

Sa limang tent na nakatayo sa camp 1 sa Madjaas noon December 16, 2016 ng gabi, dalawa lang ang hindi nabasa. Tatlo sa amin, sina Leigh at Carlo at Thomas Suarez, bumalik na sa bahay ni Josue Sabado ng umaga dahil wala na sila sa kondisyon ipagpatuloy ang pag-akyat. Dalawa ang nagpaiwan sa camp at kaming pito nina Lei, Jason, Andy, Mike, Mondi, Mau at ako ang nagpatuloy akyat sa Madjaas.

15590292_647861048730254_2971285493036415692_n

Pahinga muna at…ano pa ba? Picture-picture! Ako, si Mondi, Jayson, at Lei.

Isa ako sa mga tao na ang pagkakolonisadong pag-iisip ay bumabalik-balik pa rin kaya kada may makita akong magandang mga lugar, ang lumalabas sa aking bibig, “baw kanami. Daw indi Filipinas.” Pero, binago ni Tom ang aking paningin sa ating bayan at ipinaalala niya sa akin sa Bakun, Benguet na walang point of comparison. Ito ang Filipinas at ganito siya kaganda! Simula noon, baw kanami, daw Filipinas na ang aking sinasabi. Minsan, kailangan nating papaalalahanan ng ganda at dangal natin dahil sa napakahabang mga taon na, napaniwala tayo na ang atin ay hindi kasing ganda ng ibang bansa kaya nga ang point of reference natin sa kada makakita ng magandang tanawin ay “daw indi Filipinas”.

15590420_647861082063584_6216604940439168665_n

Si Bolano ko Jasoan Pimentel. Ang first mountain climb niya? Madjaas lang naman. Kuha ni Lei Anne Tabones

Dahil ang Madjaas ay nandoon lang sa Antique  na nasa isla kung saan nandoon din ang aking probinsiya, hindi ko inasahang dito ko maranasan ang gapangan sa mga ugat ng kahoy, ang pagyakap sa dalipi ng talon para matawid ito at ang napakahabang lakaran na parang walang katapusan.

img_2741

Ang aming tent sa camp 1. Trapal ng aming mga guides ang sa kanan. Kuha ni Mondi.

Umalis kami ng camp 1 alas 6:30 ng umaga, dumating kami sa camp 3 alas 10. Basang-basa kaming lahat at nanginginig na sa lamig. Sumisipol ang hangin na akala mo’y may signal no. 2 na bagyo. Sinabi ko na kay Mau at Mondi na hanggang doon na lang ako sa camp 3. Hindi ko na kaya ang lamig dahil sa hangin. Ok lang sagot ni Mau, antayin lang namin si Jayson, ang team leader, para magpaalam. Pagdating ni Jayson at Andy, nilalamig na rin pala sila at wala na ring planog dumiretso sa tuktok ng bundok. Dagdagan pa ni Josue na nagsabi na sa ganitong lakas ng hangin, paliron kami sa taas. Nagdesisyon ang grupo na aakyat pa ng mga 15-30 minutes hanggang sa bonsai forest para magpapicture saka babalik sa camp 1.

15591187_10209824380720559_1493676426357407117_o

Picture muna bago subukang akyatin ang tuktok. Si Michael, Mondi, Andy, Zaldy, Carlo, Lei, Jayson, Mau, ako, Jason, kag Josue ang aming guide.

Samantala, ang tatlo naming kasamang sina Leigh, Carlo, at Thom na nauna na sa pagbaba, narating na nila ang tuktok ng maliit na bundok. Sa kanilang likod, kaliwa at kanan, mga bundok, at sa kanilang harap ang dagat. Sa may kanan ang Isla Mararison na namumuti ang buhangin. Nilingon nila si Madjaas at nakita nilang nakabalot ang tuktok nito sa makapal at maitim na ulap. May sampong talon na nabilang si Leigh. Nagsalita si Thom na may pag-aalala, “nandoon sila.” “Parang umiiyak si Madjaas.” Sagot ni Leigh.

15665512_647982182051474_277393805197697613_n

Si Mike hinihintay si Lei makababa sa bangin gamit ang lubid. Kuha ni Jayson

img_2637

Si Mau ati Mondi sa daan paakyat sa Madjaas. Ito lang ang picture ko dahil umuulan, hindi ko na-water-proof ang phone ko, baka masira. Sayang naman.

Gusto ko nang bumalik indi lang sa camp 1 kundi sa aming bahay sa Pilar, Capiz para magpahinga. Kaya, pagkatapos picture taking sa bonsai forest, nagmadali kaming bumaba. Pagkatapos ng tatlong oras, nakabalik na kami sa camp 1 at humihingi ng kape sa naiwan. Nagpahinga kami nang kaunti at pumunta ako sa tent para magligpit ng gamit. At nakita ko at ang ang sleeping bag at iba pang gamit namin ni Mondi na nakatiklop at naiayos na sa ibabaw ng aking earth pad. Para sa isang taong pagod na pagod sa kakaakyat at baba ng bundok, nakakaiyak makitang nakaligpit at naayos ni Thom ang aming mga gamit.

15541058_10209824132594356_8162511504748362584_o

Na sa bonsai forrest mga isa at kalahating oras na lang pa-summit. Ang lakas-lakas ng ulan, basang-basa kami at nanginginig sa lamig. Si Josue, si Michael, Lei, Mondi, Andres, ako, Mau, at si Claudio ang isa pa naming guide.

Pagdating ni Jayson, nagpaalam kami na didiretso na kami baba dahil hindi na kami makatulog sa basang tent. Nang pinayagan kami ni Jayson, niligpit namin ang tent. At tatlo kami nina Mau at Mondi bumaba na kasama ang isang guide.

img_2641

Ang aming gamit ni Mondi sa loob ng tent niligpit ni Thomas bago siya nauna sa amin bumaba ng bundok.

Si Leigh legend na sa MMS. Masarap magluto at ang kaniyang bag ay puno ng pagkain. Siya, si Carlo, at si Thom na nauna na nang umaga, nandoon na sa bahay ni Josue. Excited kami magpaluto ng haponan kay Leigh at makatulog sa tuyong higaan.

img_2644

Si Mau, si Mondi, at ang aming guide na si Hernan habang pababa kami ng Madjaas.

Inakyat namin ang camp 1 galing sa bahay ni Josue ng lima at kalahating oras. Tatlong oras lang, sabi namin, nandoon na kami sa ibaba. Umalis kami sa camp 1 alas 3:40 ng hapon. 6:40 na nandoon pa rin kami sa daan nakikipagpatintero sa mga malalim at maputik na daan.

img_2648

Sina Mondi, Thomas, Leigh, at Carlo nag-uusap sa sala ng bahay ni Josue na aming guide habang hinihintay ang pagdating mula bundok ng iba naming kasama.

Hindi kami nadisappoint kay Leigh. May adobong pusit at pork asado. Dagdagan pa ng laswa na nilagyan ng ulang ng asawa ni Josue, iyon na ang pinakamarami kong haponan.

15589701_647858302063862_3144232996054410848_n

Si Lei at si Jayson sa habal-habal.

Kinaumagahan, ang paligid ng bahay ni Josue puno ng sinampay na mga damit, mga sleeping bags, tents, at kung ano pang mga gamit na nabasa kagabi. Nadamay pa ang sampayan ng kabilang bahay.

img_2652

Ako sa sa tabi ng pinakamalaking puno ng narra na nakita ko sa buong buhay ko.

Binabad ni Thom sa pinulbong sampalok ang halos dalawang kilong baboy. Nagpakulo siya ng tubig sa malaking kaldero, at inilagay doon ang binalatang ugat ng palawan. Nang lumambot na ang palawan, isinunod niya ang karne ng baboy at dinagdagan ng sibuyas bombay. Nang lumambot na ang baboy, dinagdagan niya ng patis at kaunti pang dinurog na sampalok at inilagay ang dahon ng kangkong.

15665785_647864768729882_5767919813197635209_n

Pagdaong ng aming bangka sa Mararison Island. Si Thom, Michael, Leigh, Mondi, Jayson, ako, Lei, Carlo, Mau, kag si Andrese Bulay IV.

Noong umakyat kami sa Bundok Ugo, nangako kami ni Mondi sa aming deitician na kaibigan na hindi na kami kakain ng karneng baboy. Sabi namin ni Mondi, gawin namin exception ang pagkain ng baboy sa akyat naming ito dahil halos puro baboy lang ang aming baon. Kaya kain kami nang kain ng baboy.

Sa kusina tumatambay ang bunsong anak ni Josue at ang kaniyang pinsan na lumilihis palabas ang kaliwang mata. Kapag ganito, sabi sa akin ni Thomas na isang optometrist, ang lumilihis na mata’y hindi na pinapansin ng utak kaya hindi na ito ginagamit. Maaayos pa ito kung gamitin ng bata palagi ang lumilihis na mata. At sinabihan niya ang bunsong anak ni Josue na bawat umaga, takpan ang kanang mata ng mga limang minuto para ang kaliwang mata lang ang makakita.

Pagkatapos namin mananghalian, mga alauna ng hapon, dumating na ang mga naiwan sa bundok. Nauna si bolano Jason na naka-rubber shoes na dahil napigtas ang kaniyang tsinelas sa dulas at putik pababa. Sumunod si Zaldy, Mike, sina Lei, Jayson, at Andres.

15665637_10211937102810765_8127892142917474635_n

Sa ibabaw ng Isla Mararison. Kuha ni Mau

15625701_10209824328759260_4766310755371583035_o

Ang isang oras naging duha. Kasi naman kuha nang kuha sila ng picture😂. Kuha ni Michael Ras

Nananghalian sila at naligo. Pagkatapos noon, sumakay kami sa habal-habal papuntang likod ng Culasi Municipal Hall sa sakayan ng bangka papuntang Isla Mararison.

img_2726

Si Mondi sa bangin sa Mararison.

Excited kaming makarating sa Isla Mararison dahil nangako sa amin ang aming kontak sa Sally Balay Darayunan na may isda kaming ulam sa haponan. At sila ang bahala sa hugasan. Kahit pa, bumili kami dalawa o tatlong kilo ng baboy para ihawin. Pagdating namin sa isla, walang isda. Mabuti na lang may dala kaming baboy. Inihaw at adobong baboy ang aming haponan. Wala ring tagahugas. Si Jayson ang masipag maghugas ng mga kinainang pinggan.

15665506_648153528701006_8113673787447452574_n

Si Leigh at Carlo sa burol sa Isla Mararison

15578571_647714582078234_2054318859492599239_n

Ito pa ang isang Lei. Pampainggit lang daw. 😂

Sabi ng mga tao sa isla, kayang ikutin ang buong isla sa loob ng isang oras. Ilan lang naman ang isang oras na paglakad kung kaya ngang umakyat sa Madjaas? Ang problema, masakit ang aking ulo. Uminum kami ni Mau pagdating galing bundok at uminum ulit kami noong gabi sa Mararison. Sore throat ang inabot ko. Kayo na lang muna’ng mamasyal sa isla dahil masama ang pakiramdam ko, sabi ko sa kanila.

img_2663

Ito  daw ang mukha galing sa taas ng bundok ng aming titirhan pagbalik namin next year. Kuha ni Mau Romarate.

Walang hangin sa loob ng kuwarto kaya sa terrace ako humiga. Sa likod ng aming bahay, may poso kung saan umiigib ang mga kapit-bahay. May isang lalaki at isang babaeng bata na dumaan at umigib sa poso. Ang babae may dalang isang galon ng tubig an nakalagay sa lagayan ng mineral water. Nagpapahinga siya bawat dalawang hakbang sa bigat ng kaniyang dala.

img_2662

At ito daw ang harap ng titirhan namin pagbalik next year.

Kailan lang dumaan din sila sa bahay na naghahabolan galing sa dagat. Siguro tinawag sila ng kanilang nanay para umigib. Ang batang lalaki, habang tumatakbo, hawak nang hawak sa kaniyang shorts para hindi malaglag. Noong maliit pa ako, ganito din ako. Maluwang ang shorts. Dahil ang shorts na ito ay galing pa sa matandang kapatid na nanggaling pa sa isa pang nakakatanda. Ilang henerasyon na ang sumuot sa shorts na iyon.

15621774_647982792051413_1638988141536666437_n

Ito kami naghihintay ng bangka patawid sa Culasi, Antique at papuntang Kalibo. Si Carlo, Lei, Michael, ako, Leigh, Thomas, Jayson, Mau, at Mondi.

Pagkatapos ng dalawang oras na pamamasyal sa isla, bumalik na sila sa bahay at ipinagmamalaki ang kanilang mga pictures. Si Mondi at Lei may picture sa bangin. Si Mau sa harap ng resort na titirhan namin pagbalik. Doon baka may isda kung mangako silang may isda at may tagahugas ng kinainan at hindi si Jayson ang tagahugas.

img_2695

Si Mondi at Mau naglalakad sa world famous beach.

Dahil nahidlaw daw talaga sila sa akin, nagselfie si Lei at Dok Thom kasama ako.

Sa Ceres bus terminal sa Culasi, Antique, wala bus papuntang Kalibo. Pagkatapos naming makontrata ang van, dumaan ang bus pa-Kalibo.

Ang saya-saya ni Mau dahil nakabalik din siya sa Boracay pagkalipas ng mahigit 10 taon. Kaya nag-live-video siya for the first time: https://web.facebook.com/plugins/video.php?href=https%3A%2F%2Fweb.facebook.com%2Fmaurice.romarate%2Fvideos%2F10211899884960342%2F&show_text=0&width=560

Lahat sila puwera sa akin, kay Mau, at Mondi, lilipad na pa-Manila noong gabi ng Lunes, Disyembre 20, 2016. Kaming tatlo, may iba pang plano. Ang gagawin sana namin, baba kami sa Kalibo at sasakay ng bus pa-Caticlan. Ugaling, magaling na Googler si Mondi. Sa kakakahig nang kahig sa Google Maps, nakita niya na puwede na kaming bumaba sa Nabas, Aklan dahil dumadaan na doon ang mga sakayan papuntang Caticlan. Ang talent ni Mondi ang nakapagtipid sa amin ng halos dalawang oras na biyahe pa-Boracay.

img_2705

Inuusisa ni Mau ang laki at hugis ng abridor na itinitinda sa gilid ng kalsada sa Boracay.

Habang naghihintay ng eroplano sa Kalibo ang aming mga kasama, nandoon kami nanonood ng fire dance sa dalampasigan. Habang lumilipad sila papuntang Manila, dumating, at sumasakay pauwi sa kanilang bahay, nandoon kami sa isang mesa nakikinig sa mga kumakanta habang sumisipsip ng kalamansi shake si Mondi, humihigop ako hot tea, at si Mau umiinum ng serbesa at namumulutan ng sisig, Thai Roll, at french fries.  Kinaumagahan, pabalik-balik kami sa bawat dulo ng isla. Sa station 3, kaunti lang ang tao at maraming puno. Doon kami maghahanap ng matulogan pagbalik namin. Sa station 3 din pala nandoon ang maraming diving shops. Ang daming foreigners. Karamihan singkit ang mata.

img_2706

Si Mondi at si Mau sa bus galing Caticlan pabalik ng Kalibo.