I Shall Return


Tanawin mula sa eroplano

Madilim na nang lumapag sa Daniel Z. Romualdez, Tacloban, airport ang eroplanong sinakyan ko. Sinundo ako ng kaibigan, dumaan sa madidilim at masisikip na kalsada ng airport at Tacloban City, at dumiretso sa kanilang bahay malapit sa palengke. Noong isang araw pa niya ako inireserve ng kuwarto sa Go Hotels, na pinagtakhan ko. Classmate ko kasi si Atty. Erwin Pedrosa sa University of Iloilo College of Law, kung saan kami nagkakilala. Habang kami ay nag-aaral, nagtatrabaho siya sa Rex Bookstore (bago dito, namasukan siya bilang school boy sa mga madre sa St. Mary’s Academy sa Roxas City, kung saan doon siya pinag-aral ng kolehiyo). Palagi ko siyang pinupuntahan sa Rex sa may Central Philippine University at masayang magkasama kaming kumakain ng tanghalian sa likod ng kanilang building, kasama ang mga driver at iba pang alalay. Kaya, alam niya na cowboy ako. Wala daw lugar sa bahay nila, na di naman totoo, kasi malapad ang sala. Ayaw nga niya akong pakainin ng eskabetseng isda na pinaluto ni

Go Hotels Tacloban Entrance

Nanette para sa akin. Mas gusto daw niya ang bulalo at bangus sisig na luto ng classmate niya noong elementary, at ngayon ay chief cook na ng isang resto. At doon nga kami pumunta. Ang punto niya, abogado na kami. Kaya bawal na akong matulog sa sahig, na hindi ko maintindihan kung bakit. Kaya lang, mahal ko si Erwin at, oo nga, di na bagay sa abogado’ng namimilit. Nakakahiya sa host.

Ninong JP at Jaja

Nakakamangha si Maria Natandra, aka Jaja, para sa tatlong buwang gulang nasanggol. Binitbit siya ng Tatay at pinaharap sa akin. Kumusta, bati ko. At tinitigan ako ng bata sabay tango ng tatlong beses na di umaalis ang tingin sa akin. Mukhang matalino nga daw ang anak niya, mukhang mas advanced kaysa age niya, sabi ng Tatay. Paglabas daw niya sa sinapupunan ni Nanette, inilagay agad siya sa dibdib ng Nanay at bigla daw dumilat at tumingin-tingint sa paligid.

First time kong tumira sa Go Hotels. Ang siste, parang Cebu Pacific din. The earlier you book, the cheaper the room. Noong nakalipas na buwan ko lang kasi nalaman na may anak na si panero at bibinyagan. kaya inabot din

Emmanuela Isabel L. Pedrosa, 4 years old na pamangkin ni Erwin.

ng mahigit dalawang libo ang dalawang gabi ko. Ang entrance ng hotel ay parang delivery bay ng mga van sa mall. Ang pagkakaiba lang, naka-tiles, may counter sa gilid at may elevator sa dulo, at may roong hagdan sa likod ng elevator. Sa harap ng counter (di makikita sa litrato) ay dalawang stalls ng pagkain. Di namin naisip na 2nd floor lang pala ang room 226, kaya sumakay kami sa elevator. Paano, ang control buttons ay di buttons kundi glass panel na may numero o sign na may sensor. Kailangan pa naming tawagin ang front desk officer para kami makaandar.

Mas malawak na hallway

Apat na hanay ang mga kuwarto na hinati ng dalawang corridor. Malawak ang espasyo ng hallway. Sa gilid sa may bandang gitna ang hagdan at sa magkabilang dulo, may mga halaman na naka-island; at sa taas ng halaman ay may parang kisame na may ilaw. Sa bandang baba ng kisame ay nakapalibot ang mga bintanang kristal na nilulusotan ng sinag ng araw. May maliliit na mesa at upuan sa labas ng aking kuwarto. Hinanap ko ang canteen. Wala akong nakita.

Ang aking kuwarto

Maliit ang aking kuwarto. May dalawang kama, at sa bawat isa kasya ang dalawang taong may katawang kasing laki ko. May parehong nakatayong salamin sa uluhan ng bawat kama, at may isa pang ganoon din sa likod ng pintuan. May dalawang ilaw na nakatutok sa daanan, may roong smoke detector sa gitna, tahimik na Samsung smart inverter na aircon unit sa pader, sa kabila ng banyo, kasing-taas ng kisame. May flat screen tv na nakasabit sa pader sa harap ng dalawang kama. May isang reading lamp sa may uluhan na nakapatong sa mesa na naghihiwalay sa dalawang kama. Malinis ang banyo, may roong sabon at shampoo pero walang toothpaste o toothbrush. Nakita ko sa front desk na may benebenta sila. May hot and cold water. Dalawang tuwalya.

Ang lababo

Tahimik at komportable kaya lumipas na sana ang gabi na parang nasa bahay lang ako. Ang problema, ang malaking problema…internet connection! Nagbibigay nga ang Go Hotel ng free internet, through wifi, ang hirap naman kumonect. At kung makapagconnect

Ang shower

ka naman, sooooobrang bagal. Dahil ba free? Mabuti pang matulog ka nalang. Ayusin ninyo naman, Mr Lance. Walang excuse diyan. Nasa labas ng kuwarto ko, sa may kisame ng hallway, ang wifi modem.

Kinaumagahan, naghanap ako ng magpaplantsa ng nagusot kong polo. May roong laundry shop sa kabilang hallway apang 9 pa nagbubukas. 10 ang binyag. Nalaman kong may roong plantsa for rent ang Go Hotels. Tanong ko, paano kung di ako marunong magplantsa? Dagdag ko pa, wala ba kayong extra service kung saan kayo na ang magpaplantsa? Wala daw talaga at natawa na lang ang front desk officer sa akin.

Kung ikokompara sa Iloilo City, tahimik nang di hamak ang Tacloban. Katamtaman lang ang mga sasakyan sa daan at may pagkadalisay pa ang simoy ng hangin. Marami pang kabahayan at bakanteng lupa sa paligid, kahit sa paligid ng Robinson’s mall na pader lang ang pagitan sa hotel. Malayo din kung ihahambing sa Roxas City na congested nang masyado ang business center at ang gugulo at ang iingay ng mga tricycle.

Ang mga Pedrosas: mga pamangkin ni Erwin na sina Frances Marhie L. Pedrosa, Ralph Joseph L. Pedrosa; at ang talented na pinsan sa pinakalikod: Lino B. Pedrosa.

Dahil walang laundry shop sa paligid, at walang magpaplantsa ng damit ko, napilitan akong magrenta ng plantsa. Naalala ko tuloy ang aking nanay Toto, ang babaeng, sa simula, tagalaba at tagaplantsa lang namin sa Pilar, Capiz. Ang babaeng napakabilis ngunit napakalinis maglaba at mamalantsa. Malupit daw ng nanay niya, na nagturo sa kaniya nang pamamalantsa. Tinitingnang maigi ang mga damit sa sampayan at kapag may kaunting dumi, sinususian siya sa hita at sinasabunutan pa, saka pinababalik sa ilog kung saan sila pinaglalaba. So much about child abuse. Anyway, kinalaunan, dahil mapagkatiwalaan at maaasahan si nanay Toto, siya na rin ang nagsilbing nanay at tatay namin nang ang Nanay ay naroon sa ospital sa Iloilo at nagbabantay kay Tatay na may kanser sa buto.

Ang totoo, marunong naman akong magtrabaho. Mamalantsa? Laba? Sisiw lang sila. Kaya lang, siyempre, di na nasanay dahil sa mga nanay Toto.

Parish Cathecist Coordinator, Ms Susan Argo

Bumaba na ako nang handa na at paglabas ko ng entrance ng hotel, kinausap ang mamang nakauniporme ng driver ng taxi na nakatayo sa may gilid. Tinawag niya ang kasama dahil mayroon siyang hinihintay. Napakamahal pala ng taxi sa Tacloban! Sinisingil ako ng 200 sa distansiyang 8 lang ang bayad sa jeep. “Wala kasi, sir, pasahero.” “E, mas lalo kayong mawawalan ng pasahero sa

Palo Metropolitan Cathedral

paniningil ninyo,” sagot ko naman, matter of factly. Kesyo wala raw pasahero pagbalik. Sa isip ko, kasalanan ko ba? Ang suplado ko pero sinarili ko lang ang opinyon. Sige, sabi

Ang kasaysayan ng Cathedral

ko. Mag-jeep na lang ako, sabay talikod. Maya-maya, habang naglalakad ako, may narinig akong humarurot na sasakyan. Nagulat ako kaya napalingon. Ang taxi palang nag-alok sa akin ng sakay sa halagang 200. Babanggain ba niya ako? O kathang isip ko lang. Napatalon tuloy ako sa gilid…at nag-jeep na nga.

Si Jaja binibinyagan ni Father

Ang nag-conduct ng seminar para sa mga ninong at ginikanan ng bibinyagan, Waray-waray ang gamit na salita. At ito ang mga salitang natutuhan ko sa pakikinig sa Parish Cathecist Coordinator, na si Ms Susan Argo, sa seminar:

It = ang

Ha = sa

An = at

Pakiana = tanong

Mga ninong: Prosec Mel Ryan Caballes, Atty. Pedrosa, ako, Atty. Reynold Arpon, Prosec Elpidio Quijada, Atty. Misael Bidon, Hilarion Raagas

Pareho ang ibig sabihin ng salitang “mga”. Magkaiba lang ang pagbigkas. Sa Tacloban, ang “mga” ay may impit.

Hal. It mga opisina ay nakapalibot ha malaking simbahan. May pakiana?

At ito naman ang salitang natutuhan ko kay Father:

Sayop = mali

Ang dome ng Cathedral

Hal. Huwag ninyong gawin ang sayop.

Nagmistulang reunion ng mga abogado ang binyag ni Jaja sa Palo Metropolitan Cathedral. Dahil sa Public Attorney’s Office nagtatrabaho si Atty. Pedrosa, karamihan sa amin na mga ninong ni Jaja ay abogado; at puwera sa akin, lahat sila ay nagtatrabaho sa gobyerno either as PAO lawyer or Public Prosecutor. Ang sabi ni Erwin sa kanila, “Kaunting tulak pa at papasok na rin ito sa PAO. Ang prinsipyo nito ay pang-PAO.” Ang tinutukoy ni pañero Erwin ay ang aking tahasang pagtanggi at di pagtanggap sa madalas maririnig sa mga sanay nang abogado na nagsasabing ang practice ngayon sa Pilipinas ay pera-pera na lang. Perahan ang kliyente o kaya’y perahin ang desisyon ng korte.

Para sa mga bata

Siyempre, hindi nawawala ang kantahan sa mga okasyong tulad ng binyag. At hindi rin maaaring di ka makakita ng talent. Biglang may kumanta na babae. Napatigil ang lahat. Pagkatapos, nagtawanan sa mangha. Lalaking-lalaki ang kumakanta. Boses babae. Si Lino pala. Waiter ng caterer na nirequest pa mismo ni Nanette. Ang pagkanta pala ni Lino ay kasama sa trabaho.

Erwin, Jaja, at Nenette.

Pagkatapos ng kantahan at kainan, binisita ko ang pride ng Tacloban, ang makatang si Merlie Alunan. Hay…the ever beautiful Ma’am Merlie. Salamat kay ginbaton mo ako gihapon sa imo balay kag salamat sa paghatag sang imo oras sa akon. May laging sinasabi ang makata sa English at kritikong si Gemino Abad: a nation is as strong as its memory. Ang memory ng isang lugar, tulad ng Tacloban, at ng bansa, tulad ng Pilipinas, ay tumitingkad sa mga sinulat at sinusulat nina Merlie Alunan at Jimmy Abad.

Una akong pumunta ng Tacloban noong ikinasal sina Erwin at Nanette, tatlong taon na ang nakararaan. Isang gabi noon, ang gabi bago ako umalis, doon ako sa bahay niya natulog. At di ko kasama si Rebecca, ang kapwa niya makata at matalik din na kaibigan at dahilan kung bakit ako napalapit sa mga taong katulad ni Ma’am Merlie.

Ang bukangliwayway mula sa itaas.

Ngayon ang aking ikalawang pagkakataong makabalik. At hindi ko pa rin kasama si Rebecca.

Dumating ako sa Tacloban nang nakalubog na ang araw, at umalis habang pasikat pa lang ito. Parang ang pagdating ng unang anak ng matalik kong kaibigan sa panahong halos sumadsad na sa pusod ng dagat ang pag-asang magkakaanak pa sila.

Magbibirthday pa si Maria Natandra sa August 20. I shall return.

2 thoughts on “I Shall Return

  1. hahaha! you forgot to mention that there are no cabinets in go hotels… but accommodation is nice, comfortable and cheaper when you book earlier – cheaper compared to other hotels so far… actually, we’ve mentioned your concern about plantsa and also about cabinets to go hotel pioneer when we stayed there for almost a month…we had problems with our clothes that time…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.